HIWALAY NA BAGON NG TREN SA TRANSGENDER  WOMEN IMINUNGKAHI 

lgbt33

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG maiwasan umano na maging biktima ng sexual harassment, nais ng isang mambabatas sa Kamara na pasakayin sa mga special coaches sa mga tren ang mga transgender women.

Nitong Biyernes, hiniling ni BH party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy sa Department of Transportation (DOTr) sa coaches na nakaserba sa mga kababaihan, senior citizens at people with disabilities (PWDs).

“Letting the transgender ride on the reserved coaches is a proactive way to prevent future incidents of sexual harassment of the transgender with members of their former gender,” katuwiran ni Herrera-Dy.

Maraming insidente na umano sa nakaraang nababastos ang mga transgender women kapag sumasakay ang mga ito sa tren kaya upang maiwasan na umano ito ay pasakayin na ang mga ito sa special coaches.

Karaniwang inilalaan sa mga tren ang unang coach sa mga kababaihan lalo na sa may mga dalang mga bata, matatanda, pwd kasama na ang mga buntis upang hindi mahirapan ang mga itong makipagsiksikan.

“I know Transportation Secretary Art Tugade to be respectful of the rights and convenience of passengers. I am confident he and his experts in DOTR can come up with the needed administrative order to the MRT, LRT, and PNR,” pahayag ng lady solon.

Ang mga transgender women ay mga dating lalake na nagpalit ng kasarian at kabilang sa LGBT o Lesbian Gay, Bi-sexual Transgender Community.

152

Related posts

Leave a Comment