(NI DAVE MEDINA)
NAKAAMBA na naman ang susunod na oil price hike sa pagpasok ng susunod na linggo.
Inaasahang sa Martes ay magpapatutad na ang oil companies ng ikapitong singkad na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo para kumpletuhin ang isang buong quarter ng taon na taasan lamang ang naisakatuparan
Sa pagtaya ng Jetti Petroleum, isa sa mga minor / independent oil players, nasa P0.10 hanggang P0.15 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel samantalang ang gasolina naman ay tataas ng P0.70 hanggang P0.75 kada litro.
Ang pagtataas ng Jetti ay ibinatay sa trading sa world market hanggang noong araw ng Huwebes.
Ang naturang anunsyo na ang magiging hudyat para i-adjust ng iba pang independent players at ng Big 3 oil companies ang kanilang sunud-sunod at halos sabay-sabay na oil price hike.
Sa ilalim ng oil deregulation law, hangad ang independyenteng pag-aadjust ng presyo ng mga produktong petrolyo, pero hindi pa rin nawawala ang tila cartel na pagnenegosyo ng oil companies.
249