JANITOR, 1 PA TIMBOG SA P408K SHABU

NADAKIP ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw.

Nakuha sa mga suspek na sina Benjo Abo, janitor, at Jerphy Padilla, construction worker, ang tinatayang 60 gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P408,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Basa Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City, dakong alas-3:30 madaling araw nitong Huwebes.

Ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives ng Las Piñas City Police Station ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng siyam na sachet ng shabu makaraan ang impormasyon mula sa concerned citizen na tuloy ang pagbebenta ng ilegal na droga ng mga suspek.

Nai-turn-over na sa SPD Forensic Unit para sa qualitative at quantitative analysis ang nakuhang droga habang ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DAVE MEDINA)

6

Related posts

Leave a Comment