LIBONG VOLUNTEERS NAKIISA SA INT’L COASTAL CLEAN-UP DAY

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ)

LIBU-LIBONG Manileños ang nagtulungan upang linisin ang Baseco Beach sa Port Area, bilang pakikiisa sa 34th International Coastal Clean-up (ICC) Day.

Maaga pa lang ay dumagsa na sa beach area ang mga volunteers upang maglinis doon.

Kanya-kanyang dala ng mga panlinis tulad ng walis, dustpan, gloves, sako at pala ang mga volunteers upang makilahok sa clean up drive.

Ilang ahensya rin ng gobyerno ang lumahok sa paglilinis katulad ng DENR at MMDA na nagpadala din ng mga volunteers nila uoang makibahagi sa paglilinis.

Ang International Coastal Clean-up ang isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga volunteers upang linisin ang karagatan.

Sama-sama ang mga volunteers sa buong mundo na pupunta sa mga beach, coasts, ilog, waterways, at underwater divesite upang maglinis, tanggalin ang mga basura at itala ang volume nag basurang nakolekta sa paglilinis.

Itinakda ng Presidential Proclamation No. 47 ang ikatlong Linggo ng Setyembre kada taon bilang araw ng International Coastal Clean-Up Drive kasabay ng Global Coastal Clean-up Celebrations.

199

Related posts

Leave a Comment