LIBRENG SAKAY SA MAYNILA HABANG BAHA

BUNSOD ng matinding pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Goring, nagsagawa ng libreng sakay ang Manila Police District kahapon.

Ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB) sa pangunguna ni Police Captain Mark Anthony Panganiban, ang umasiste sa libreng sakay, ayon sa direktiba ni Police Colonel Julius Añunuevo at sa utos ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon na isakay ang stranded na mga pasahero

Nagsimula ang libreng sakay bandang alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Taft Avenue, kabilang sa panulukan ng A. Mabini at Pedro Gil, sa United Nation Avenue sa Manila City Hall, Carriedo, Claro M. Recto Avenue at pabalik ng Taft Avenue sa Ermita, Manila

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO), layunin ng heneral ang makatulong sa mga tao na hindi makasakay dahil baha dulot ng pagbuhos ng malakas na ulan bunsod ng Bagyong Goring.

(RENE CRISOSTOMO)

195

Related posts

Leave a Comment