LIPOSUCTION CLINIC IPINASARA NG MAKATI CITY GOV’T

lipo44

(NI DAVE MEDINA)

IPINASARA ng Makati City government ngayong Huwebes ang Contours Advanced Face and Body Sculpting na sangkot sa pagkamatay ng liposuction victim na taga-Negros dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Sa panayam ng kay Makati City Police PIO at Crimes Against Person Section Chief PMaj. Gideon T. Ines, kinumpirma ng opisyal na may kautusan si Mayor Abbey Binay na isara ang Contours Advanced Face and Body Sculpting na matatagpuan sa 2nd Floor ng  South Park Plaza sa Paseo De Magallanes, Makati City dahil sa tax deliquency o hindi pagbabayad ng buwis sa gobyerno simula noong 2011.

Nadiskubre lamang na hindi bayad ang naturang clinic dahil sa pagkamatay nitong July 3 ng kanilang pasyenteng si Nory Bobadilla, 43, ng Binalbagan Negros Occidental.

Habang sumasailalim sa liposuction procedure, biglang tumigil sa paghinga si Bobadilla. Sinikap na marevive ito ng attending doctor  na si  Claudine S. Roura at Anesthesiologist na si  Katrina S. Bulseco pero nabigo ang dalawa.

Isinugod ang biktimang si Bobadilla sa ICU ng Paranaque Doctors Hospital  ero nanatili siyang nasa comatose condition at tuluyang namatay noong July 6.

Sinampahan naman nitong Huwebes ng kasong  Reckless Imprudence Resulting in Homicide sa Makati City Prosecutors Office ang mga taong sangkot sa pagkamatay ni Bobadilla.

92

Related posts

Leave a Comment