Malabon nadagdagan ng anim VALENZUELA ACTIVE COVID CASES SUMIPA SA 186

MULING sumipa sa 186 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City hanggang alas-12:00 ng hapon noong Enero 27.

Sumampa na sa 9,163 ang confirmed cases sa lungsod makaraang 55 ang madagdag sa mga nagpositibo, ayon sa Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Office.

Sa kabilang banda, 8,713 na ang nakarekober sa siyudad matapos na madagdagan ng 28 ang mga gumaling.

Sa kabutihang palad ay walang nadagdag sa 264 na mga namatay sa lungsod dahil sa pandemya.

Samantala, patay ang isang COVID-19 patient sa Barangay Catmon, Malabon City noong Enero 27, ang ika-241 na binawian ng buhay sa lungsod dahil sa pandemya.

Nabatid din sa City Health Department na anim ang nadagdag na confirmed cases noong Enero 27. Sa kabuuan ay nasa 6,261 ang positive cases sa Malabon, 72 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Longos (2) at Potrero (4).

Sa kabilang banda, tatlo ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Catmon (1), Dampalit (1), at Hulong Duhat (1).

Sa kabuuan ay nasa 5,948 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)

61

Related posts

Leave a Comment