MANILA WATER CONSUMERS MAGBABAYAD PA RIN KAHIT WALANG TUBIG

manila water12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY LUCAS LUKE)

MAGBABAYAD pa rin ang mga apektadong consumers ng Manila Water kahit ilang araw na walang tumulong tubig sa kanilang gripo.

Ito ang inamin ng pamunuan ng Manila Water sa pagharap ng mga ito sa pagdining ng House committee on Metro Manila Development Committee ukol sa krisis na tubig na naranasan ng mga consumers ng nasabing water concessionaires.

Sa pagtatanong ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, napaamin nito si Manila Water President at Chief Executive Offers (CEO) Ferdinand dela Cruz na magbabayad pa rin ang kanilang mga consumers ng minimum rate fee charges.

“One week na, almost two weeks na wala kayong tubig, mahina o wala tubig ang ating mga consumers kahit hindi kayo nakapagdeliver 24/7 they will still pay the minimum amount na ibabayad nila, correct?,” tanong ni Zarate.

“You’re correct po, there is minimum amount,” sagot ni Dela Cruz bagay na ikinadismaya ni Zarate dahil talong-talo umano ang mga consumers sa sistemang ito ng Manila Water.

Maliban dito, sinabi ni Dela Cruz na hindi pa napag-uusapan sa kanilang kompanya kung magre-refund ang mga ito sa ilang araw na walang tubig ang kanilang mga customers dahil nakatuon aniya ang pansin ng mga ito sa pagresolba sa problema.

“Malinaw na talong-talo ang mga consumers dito. Walang tumutulong tubig pero magbabayad pa rin sila ng minimum amount. Hindi ba talagang tubong tubig yan? Hindi na tubong lugaw,” ani Zarate.

Ang pinakamababang minimum rate na binabayaran ng mga consumers, gumagamit man ang mga ito ng tubig o hindi ay P87 para sa 10 cubic meter, ayon sa grupo ni Zarate.

Subalit nais ni Mandaluyong City Rep. Queenie Gonzales na magbigay ng rabate o discount man lamang  Manila Water sa mga apektadong consumers lalo na sa Mandaluyong dahil Marso 7, pa lamang nawalan na ang mga ito ng tubig.

“I think that, this is fair enough compensation for Manila Water’s customers for their inefficiency that has caused a lot of unnecessary suffering and discomfort in the lives of the people in Mandaluyong,” ani Gonzales dahil simula nang magkaroon ng krisis sa tubig ay laging puyat na ang mga tao sa kahihintay ng rasyon.

 

335

Related posts

Leave a Comment