MATAAS NA LEVEL NG AMMONIA DAHILAN NG FISH KILL

(NI ABBY MENDOZA)

TUMAAS na  ammonia at phosphate levels sa tubig ng  Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area ang sanhi ng fish kill sa Las Pinas at Paranaque, ayon sa

Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon sa BFAR, nasa 3.59 parts per million (ppm) ang nakuhang ammonia sa sampling area habang ang standard level ay 0.05 ppm samantala ang Phosphate ay umabot ng 8.28 ppm na ang normal ay 0.5 ppm.

Ang dissolved oxygen ay bumaba naman sa 0.70 ppm habang ang standard ay 5.0 ppm.

“Ammonia in the water samples may have come from decomposing organic matter or agricultural, domestic, and industrial waste and domestic sewage and runoff from agricultural land and urban areas could’ve the culprit for the high level of phosphate,” ayon sa BFAR.

Ang fish kill umano ay hindi dahil sa blast fishing kundi dahil sa epekto ng nasabing kemikal sa tubig.

Patuloy na iminomonitor ng BFAR ang water quality sa Las Pinas at Paranaque.

 

 

219

Related posts

Leave a Comment