MAY ‘GHOST EMPLOYEES’; RODERICK PAULATE SUSPENDIDO

roderick12

(NI ABBY MENDOZA)

SINUSPINDE ng 90-araw ng Sandiganbayan 7th Divsion si Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay sa graft case nito dahil sa pagkakaroon ng 30 ‘ghost employees’ noong 2010 na pinasahod umano ng kabuuang P1.1 milyon.

Inatasan ng graft court si Interior Secretary Eduardo Año na ipatupad ang ipinataw na suspensyon at magsumite ng report sa loob ng limang araw kaugnay sa ginawa nitong aksyon.

Matatandaan na una nang naglagak ng piyansa na aabot sa P260,000 si Paulate para sa kanyang pansamantalang paglaya habang P220,000 ang naging piyansa ng kapwa niya akusado na  si  Vicente Esquilon Bajamunde, na kanyang liaison officer.

106

Related posts

Leave a Comment