MAYNILA ‘DI HANDA SA ‘THE BIG ONE’

one22

(NI HARVEY PEREZ)

IBINUNYAG ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na hindi handa ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa ngayon sa sandaling dumating ang kinatatakutan na  “The Big One”.  Maaring magdulot ng  takot  at pangamba ang kanyang pahayag sa mamamayan ng Maynila ngunit naniniwala si Moreno na dapat malaman ng mga Manilenyo ang katotohanan.

Inamin ni Moreno na kumpara sa ibang siyudad, walang konkretong management plan o hazard map ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Nabatid na pinulong ni Moreno ang mga opisyal ng  CDRRDMC sa City Hall at nadiskubre ni Moreno na walang emergency plan sakaling tumama ang   7.2 magnitude earthquake sa Maynila.

Hindi rin handa ang  Manila CDRRMO tugunan ang mga posibleng trahedya tulad ng pagkasira ng mga city cell sites at  mass shooting incidents.

Natuklasan din  ni Moreno ang kakulangan ng resources ng siyudad  sa pagresponde at para mapigilan ang isang trahedya partikular na ang  hospital bed capacity, power generators at mga kakailanganin na personnel.

Sinabi ni Moreno na kung hindi inamin ng mga opisyal ng CDRRMDC ang kakulangan ay tatanggalin sila sa tungkulin kahit pa kuwestiyunin ito sa Civil Service.

Mabigat ang responsibilidad ng disaster council dahil buhay umano ng mamamayan  ang nakataya.
Kaagad pinulong ni Moreno ang disaster council members matapos matanggap ang report ng  Department of  Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa  disaster preparedness ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sa report ng DILG,”total failure” umano ang paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa trahedya.
Nalaman din  na maging ang  command center for disaster response ng lungsod, na tinawag na “Emergency Response Assistance Program” o ERAP, ay dilapidated.

Nang inspeksiyunin umano ng bagong Manila Public Information Office, natukoy na ang tanging namo-monitor lamang ng mga CCTV cameras na inu-operate ng command center ay ang City Hall at Carriedo area, habang ang iba pang bahagi ng lungsod ay hindi na nito namo-monitor.

Wala rin umanong sariling hotline ang ERAP na maaaring tawagan ng mga tao sakaling may maganap na emergency, at kinakailangan lamang ng mga opisyal na gamitin ang kanilang personal mobile numbers upang makipag-komunikasyon sa publiko.

Samantala, naatasan ni Moreno ang mga council members na bumuo ng bagong disaster risk reduction and management plan at bagong hazards, vulnerability and risk assessment report para sa lungsod, sa loob ng dalawang linggo.

125

Related posts

Leave a Comment