NAHIRAPANG HUMINGA HANGGANG MAMATAY SA SELDA

(Ni SAMANTA MENDOZA)

Namatay ang isang bilanggo matapos mahirapan itong huminga at may lumabas na dugo sa bib-ig kahapon ng madaling araw sa selda ng Manila Police Station 1 sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ang  biktimang si Crisanto Pineda, 37 anyos , ng Herbosa St., Tondo.

Una umanong  naaresto ang biktima noong Nobyembre 10 dahil sa iligal na droga , at napag-alaman sa kasamahang inmate na si Victor Samson na nakita nito ang biktima ng bandang 12: 45 ng madaling araw na nahihirapan huminga at may lumalabas na dugo sa bibig kaya agad itong humingi ng tulong sa nakatalagang jailer.

Mabilis namang isinugod  sa pagamutan ang biktima, pero hindi na ito naisalba.

Wala naman umanong nakitang bakas na sinaktan si Pineda , maliban  sa dugo nito sa bibig .

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral para sa awtopsiya  at madetermina kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.

5

Related posts

Leave a Comment