NO FLY ZONE SA SONA

fly33

(NI DAVE MEDINA)

DEKLARADONG no fly zone ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ibabaw at paligid ng  House of Representatives (HREP) sa Batasan Complex at mga kalapit na lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa pagbubukas ng 18th Congress at ang  4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga araw ng July 20 hanggang 23, 2019.

Mula alas- 9:00 ng umaga ng July 20 hanggang alas-11:00 ng umaga ng July 21, ang mga  drones at ibang uri ng  aircraft ay limitado ang paglipad sa vertical limit 700ft AGL (height above ground level) sa loob 10km radius ng Batasan Pambansa.

Gayundin, ang mga training flights ng iba’t ibang fying schools sa Luzon ay pawang suspindido mula alas-12:00 ng hatinggabi ng July 22 hanggang  alas-12:00 ng hatinggabi ng July 23.

Samantala, sa Lunes, sa mismong araw ng SONA ng Pangulo Duterte, ang No Fly Zone ay ipatutupad mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi sa  4 nautical miles radius hanggang 10,000 feet AMSL sa ibabaw ng House of Representatives.Ang Notice to Airmen (NOTAM) B3201/19, B3203/19, at B3209/19 ay inilabas ng CAAP bilang  advisories para sa naturang okasyon.

 

187

Related posts

Leave a Comment