P15.7-B HCWs BENEFITS NI-RELEASE NA NG DOH

INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang P15.7 bilyon pondo para sa mga benepisyo ng healthcare workers sa bansa.

May kabuuang P15,719,085,923.00 ang nailabas nang pondo nitong Nobyembre 26, base sa Statement of Allotment, Obligation and Balances (SAOB) ng kagawaran.

Ayon sa DOH, kabilang dito ang P7,915,760,434 Special Risk Allowance (SRA) ng 486,585 healthcare workers mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 habang nasa P6,555,957,185 na SRA at active hazard duty pay (AHDP) ang nailabas na rin.

Umabot naman sa P1,231,098,680 ang ni-release para sa ‘meals, accommodation, and transportation (MAT) benefits’ ng 103,413 HCWs.

Sa kabila nito, may nalalabi pang mga benepisyo mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 ang hindi pa nailalabas kaya patuloy umano ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para mapabilis ito, ayon kay Administration and Financial Management Head Undersecretary of Health Leopoldo Vega.

Ang mga nakabinbin na requests para sa dagdag na SRA funds para sa Batch 5 at Batch 6 ay nakatakdang i-evaluate ng Department of Budget and Management (DBM) sa oras na makumpleto ang pamamahagi ng benepisyo ng unang batches. (RENE CRISOSTOMO)

11

Related posts

Leave a Comment