P3.16-M ARAWANG SAHOD NG CONCON DELEGATES

tao

TUMATAGINTING na P3.16 milyon kada araw ang nakatakdang balikatin ng Pinoy taxpayers para punuan ang sahod ng 251 delegadong magiging bahagi ng Constitutional Convention (ConCon) na magrerepaso ng 1987 Constitution.

Ginawa ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang pagtataya matapos ipasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7352 na nagbibigay bisa sa pagsipa ng ConCon na siyang babago sa mga kontrobersyal na probisyon ng Saligang Batas.

Sa ilalim ng nasabing panukala, isasagawa ang paghahalal sa 251 ConCon delegates na kakatawan sa iba’t ibang distrito sa October 30, 2023 kasabay ng Barangay at Sangguniang kabataan elections.

Bukod sa mga halal na delegado, inaasahan ding mas lalaki pa ang kailangang hugutin sa buwis na ibinabayad ng mamamayan sa sandaling magtalaga ng 50 sectoral representatives ang Pangulo, Senate President at House Speaker.

Paglilinaw ni Manuel, hindi pa kasama sa kanyang pagtataya ang P597 milyong gastusin para sa personnel services, P76 milyon para sa secretariat salaries at iba pang rekisitos na sa kanyang pagtataya at posibleng pumalo sa P2.4 bilyon kada buwan. (BERNARD TAGUINOD)

26

Related posts

Leave a Comment