P3M REWARD SA IMPORMASYON SA PAGPASLANG SA KAPITANA

bengbeng600

(NI ABBY MENDOZA)

AGAD nag-alok ng P3M reward ang lungsod ng Quezon City sa sinumang makapagbibigay impormasyon sa insidente.

Ayon kay QC Acting Mayor Joy Belmonte inatasan na nya si QC District Director Joselito Esquivel na pangunahan ang imbestigasyon at bilisan ang pagresolba sa kaso.

Huwebes ng umaga ay magpapatawag din ng Special Session si Belmonte kaugnay sa nangyari kay Beltran.

“I assure the public that we will carefully explore all the motives of the case. This heinous crime has absolutely no place in Quezon City. In fact this is the first crime of its kind in Quezon City in recent history, and we will do all we can to make sure it is the last. As long as I – and my fellow public servants – live, I will make sure that our city will never become a hotspot for political violence”pahayag ni Belmonte.

Si Beltran ay malapit na kaibigan ni Belmonte, kamakailan umano ay magkasama lamang sila sa isang learning visit sa Davao City.

“She was very close to my family, especially my father, and even though she served in another political party so as to pursue her personal goals in life, there was absolutely no animosity between us. I know that she will be very much missed by the people who have worked with her and loved her – including myself,”ani pa ni Belmonte.

QC ILAGAY SA COMELEC HOTSPOT

Aminado si Liban na nakakabahala ang pagpatay kay Beltran na kauna unahang kaso ng pagpatay sa lungsod sa gitna ng political period, aniya, mainit ang eleksyon sa Quezon City na kadalasan ay nauuwi pa sa sigawan subalit walang patayan kaya umaapela ito kay Pangulong Rordigo Duterte na ipabilang ang lungsod sa election hotspot kung mapapatunayang politically motivated ang motibo sa kaso ni Beltran.

KALABAN SA PULITIKA

Dalawang babae ang makakalaban ni Beltran sa congressional race,  sina Precious Hipolito-Castelo at dating QC Rep Annie Susano at si Liban na tatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Tumanggi si Liban na tukuyin kung pulitika ang nasa likod ng pagpatay kay Beltran na inaanak nya sa kasal.

Sa tanong kung malakas ba si Beltran sa congressional race na maaaring maging dahilan kung bakit ito ipapapatay, sinabi ni Liban na bagamat sa mismong araw ng bilangan ng balota lamang mapapatunayan kung sino ang malakas sa mga kandidato ngunit kung pagbabatayan ang naging pahayag umano sa kanya ni Mayoral candidate Bingbong Crisologo na kapartido ni Beltran ay sinabi nitong maganda ang laban nito na third termer na chairwoman.

156

Related posts

Leave a Comment