(NI MAC CABREROS)
“HUWAG pahirapan ang mga probinsiyanong komyuter!”
Ito ang apela ng mga provincial bus companies sa Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos magsagawa ng dry run, Lunes ng umaga, sa nakatakdang pagpapatupad ng ban sa provincial buses sa EDSA sa Hunyo.
“Hindi naman provincial buses ang pangunahing sanhi ng buhul-buhol na traffic sa EDSA,” diin ng mga operator.
Binanggit ng operators na base sa datos mismo ng gobyreno, nasa 12,595 bus nasa Metro Manila samantalang 7,252 provincial bus lamang ang dumaraan sa EDSA.
Bukod dito, ayon pa grupo, aabot sa 2.5 milyong pribadong sasakyan ang nasa Metro Manila.
“Ibig sabihin, pagbabawas o pagkontrol sa mga pribadong sasakyan ang isa sa unang dapat bigyan ng pansin bago pagdiskitahan ang mga provincial bus na wala pang isang porsyento sa kabuuang bilang ng
sasakyan sa Metro Manila,” diin pa ng bus companies.
“Ipagpalagay man na nakaka-traffic ang provincial bus, hindi pa rin magiging solusyon ang pagbabawal sa mga provincial bus sa Metro Manila dahil kung ipagbabawal ang provincial bus, kailangan din ng
karagdagang city bus sa mga terminal sa Paranaque at Valenzuela.
Malinaw na manganganak lang ng karagdagan at mas malalang problema ang provincial bus ban,” dagdag ng grupo.
Sinabi pa ng mga ito na bukod sa dagdag-gastos ay laking kalbaryo sa mga komyuter ang nasabing ban dahil gigising nang maaga ang mga ito.
Sa pagsaliksik ng Saksi Ngayon, lubhang mahihirapan ang mga komyuter –
pauwi o galing sa probinsya — dahil madalas na mayroong dala-dalang mabibigat na bagay ang mga ito.
164