(NI MAC CABREROS)
GAMITIN ang bakasyon bilang pagkakataon upang kumita ng pera, payo ng economic experts.
Ayon sa mga eksperto, dahil hindi na abala sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan ang mga bata, makabubuting gamitin ang oras at pagkakataon upang kumita ng pera gaya ng pagtitinda ng pagkain lalo ang pampalamig ngayong summer.
Maaari ring magluto ng pagkain at ialok sa mga pupunta sa bakasyon o mag-outing o tumanggap ng kontrata sa iba’t ibang events ngayong summer.
“Take every opportunity to earn money,” pahayag ng eksperto. “Think the best way… there are lots of possibilities,” dagdag nito.
Payo rin ng mga eksperto na mabuti ring iinvest ang hard-earned money gaya ng pag-iimpok sa Modified Pag-IBIG II Program (MP2) kung saan malaki ang tubo o interest.
Ayon Pag-IBIG, kada P500 buwanang savings ay kikita ito ng P5,776.68 sa loob ng limang taon habang ang P60,000 na lump sum savings ay tutubo ng abot sa P12,000.
Binanggit ng mga eksperto na kahit pa nakatutulong ang perang inipon sa piggy bank, makabubuting ilagak sa mga banko na mataas ang interest rate upang kumita ang pera.
Payo rin ng economic experts na maaari ring sumali sa kooperatiba para katuwang ang mga miyembro na kumikita ng pera.
161