QC NAGTALA NG 5 BAGONG NAMATAY SA COVID

LIMANG panibagong kaso ng pagkamatay ang naitala sa Quezon City base sa pinakabagong resulta na inilabas ng Department of Health (DOH).

Base sa ulat, hanggang Hunyo 15, ng DOH, ang Quezon City ay may naitalang limang bagong kaso ng pagkamatay ng COVID-19.

Ito ay nagresulta ng kabuuang bilang ng pagkamatay sa nasabing siyudadsa bilang na 213.

Sa nasabi ring petsa ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 2,673.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso na may addresses sa siyudad ay kasalukuyang 2,592.

Ang active Covid-19 cases sa siyudad ay nasa 971 habang hanggang Hunyo 15, nakapagtala ng 65 bagong recoveries na nagdala ng kabuuang bilang ng recoveries sa bilang na 1,369. (JOEL O. AMONGO)

183

Related posts

Leave a Comment