PUSPUSAN na ang paglilinis sa lungsod ng Maynila para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Huwebes (Enero 9).
Kaugnay nito, aalisin ng mga law enforcement ang lahat ng obstruction sa kalsada tulad ng mga nakaparadang sasakyan pati na rin ang mga vendor sa lahat ng kalsadang daraanan ng Traslacion, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.
“Nananawagan tayo na iyong mga itinakdang daraanan ng Poong Nazareno ay kailangan ma-clear of all types of obstruction. Pag sinabing obstruction, hindi lang sasakyan pati ho mga vendor,” ani Isko sa isang panayam.
Ipinaalala rin ng alkalde ang liquor ban sa mga pampublikong lugar at dapat sundin pa rin ng mga menor de edad ang curfew mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
Ang Pista ng Itim na Poong Nazareno ang isa sa pinakamalaking pagdiriwang na ginagawa ng mga Katoliko sa buong bansa. (Dahlia S. Anin)
173