SCHEDULED WATER INTERRUPTION NG MAYNILAD IPATUTUPAD

water12

(NI ABBY MENDOZA)

AMINADO ang Maynilad na nakatutulong ang pagkakaroon ng scheduled water interruptions upang matiyak na ang lahat ng kanilang customers ay may tubig sa harap na rin ng kakulangan ng supply.

Ayon kay Maynilad Corporate Communications head Jennifer Rufo ang water interruption schedule ay maaaring makita ng kanilang mga customer sa kanilang Facebook fanpage.

Ipinaliwanag ni Rufo na ang water interruption sa kanilang customers sa West Zone ay kanilang ginagawa tuwing off peak hours o alas 12:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Rufo na hindi nila inaasahan na magtatagal ang ganitong sitwasyon dahil mayroon naman silang ginagawang paraan matugunan ang problema.

Samantala ngayong Holy Week ay makararanas umano ng water interruption ang ilang barangay sa Manila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Parañaque, Pasay, Las Piñas at  Bacoor sa Cavite.

Ang water interruption umano ay magsisimula ng Holy Tuesday, April 16 hanggang Black Saturday, April 20.

Ang magaganap na water interruptions ay para bigyang daan din umano ang gagawing water network enhancement activities ng Maynilad kasama dito ang facility maintenance works, pipe decommissioning, pipe interconnections at valve replacements.

Kasabay ng anunsyo ay inaabisahan na ng Maynilad ang kanilang mga customers na mag ipon ng tubig.

 

 

 

265

Related posts

Leave a Comment