SENIOR CITIZEN INARESTO SA ILLEGAL RECRUITMENT

SINILBIHAN ng warrant of arrest ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District sa loob ng custodial facility ng DSOU sa United Nations Avenue, Ermita, Manila ang isang 68-anyos na senior citizen dahil sa kasong 16 counts ng estafa at illegal recruitment noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dory”, 68, may asawa, at residente ng Gil Puyat Avenue, Pasay City.

Ayon sa ulat ni Police Senior Master Sergeant Mark Lester Ong, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, hepe ng DSOU, bandang alas-6:50 ng gabi nang isilbi ang arrest warrant sa selda ng DSOU matapos madiskubre na may nakabinbin pang ibang kaso ang ginang.

Ang suspek ay inaresto sa 16 counts ng estafa at large scale illegal recruitment sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Alexius P. Tang, Assisting Judge ng Metropolitan Trial Court, Branch 63, Makati City. (RENE CRISOSTOMO)

42

Related posts

Leave a Comment