SINADYANG PAGSASARA NG LA MESA BYBASS ITINANGGI

lamesa 12

(NI KIKO CUETO)

ITINANGGI ng isang engineer mula sa Maynilad Water Supply Operations na isinara nila ang La Mesa bypass na siyang nag-reregulate ng water flow na pinaghahatian ng Maynilad at Manila Water kaya’t nagkaroon ng shortage sa tubig.

“Nakabukas po iyan,” sinabi ni Engr. Ronaldo Padua sa panayam.

Isang nagpakilalang dating nagtatrabaho sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay nagsabi sa Facebook na ang pagbubukas ng bypass ang magreresolba sa shortage sa Manila Water customers.

Si Angel Salazar, na nagtrabaho sa MWSS mula 1982 hanggang 2012, ay sumagot sa Facebook ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na nagpapaliwanag sa isyu ng water shortage.

“The problem started when you ordered the closure of the bypass at La Mesa,” sinabi ni Salazar.

Sa sagot si Ty sinabi niyang misinformed si Salazar.

Sinabi pa ni Padua na bukas ang bypass sa nakalipas na dalawang taon.

“Yun pong bypass na iyon ng Manila Water ay bukas na po siya halos two years na po,” sinabi nito.

Isinasara lamang ito kapag marami tubig ang galling sa Angat Dam.

“Sa ngayon, itong period na ito, since mid last year, bukas na yan. Nire-regulate lang ang opening niya,” sinabi ni Padua.

137

Related posts

Leave a Comment