SINLAKI NG MANILA, QC TATABUNAN SA MANILA BAY

manila 14

(NI BERNARD TAGUINOD)

KASING-LAKI ng pinagsamang land area ng Lungsod ng Maynila at Quezon City ang tatabunan sa Manila Bay kapag natuloy ang 22 reclamation projects sa nasabing karagatan.

Gayunman, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na walang pakinabang ang mga mahihirap sa reclamation projects na ito bagkus ay mabibiktima ang mga ito lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad malapit sa Manila Bay.

“Imagine, the area to be reclaimed in as huge as the entire Quezon City and Manila combined. And this is not to house poor families but to house mega casinos and commercial establishments catering to the rich,” ani Brosas.

Unang kinumpirma ng mga kinatawan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa pagdinig ng House committee on metro manila development na 22 projects ang inaply sa kanilang tanggapan para sa 22,2000 ektaryang reclamation sa Manila Bay.

Ganito aniya ang kalaki ng land area ng Lungsod ng Maynila at Quezon City at manganganib ang mga nakatira umano sa mga dalampasigan o malapit sa dagat dahil wawalisin ang mga ito kalaunan.

“Walang puso ang reklamasyong ito, na pinapakete at pinatatamis gamit ang pekeng rehabilitasyon ng Manila Bay,” ayon pa sa mambabatas dahil tinatayang 300,000 pamilya ang wawalisin sa kanilang tirahan at ipalit sa kanilang lugar ang mga mayayaman.

Nangangamba din ang lady solon na mapapadali ang pag-apruba sa mga reclamation projects na ito ngayong inilipat na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PRA sa kanyang tanggapapan.

Dahil dito, dapat aniyang tutulan ang nasabing mga proyekto dahil isinasakripisyo ng gobyerno umano ang kapakanan ng mga mahihirap para bigyan daan ang mga dayuhang negosyante na maglalagak ng puhunan na irereclaim na bahagi ng Manila Bay.

204

Related posts

Leave a Comment