SUPPLY NG TUBIG SA MM KAYA NG ANGAT DAM HANGGANG MAYO

ANGATDAM

(NI ABBY MENDOZA)

PINAWI kahapon ng Philippine Atmosphero Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) ang pangamba na tuluyan ding bababa ang water level sa Angat Dam gaya ng sitwasyon ngayon sa La Mesa Dam.

Ayon sa PAGASA hanggang Mayo ay may maasahang tubig na manggagaling sa Angat Dam na syang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad para sa mga  residente ng Metro Manila.

Sinabi ni PAGASA hydrologist Sonia Serrano na sa monitoring kahapon ay nasa 199.94 ang water level sa Angat Dam,malayo pa ito sa 180 meters na critical level.

Kung nasa  0.34 hanggang 0.35 meters lamang ang demand sa tubigvsa araw araw ay kakayanin ng Angat Dam na makapagsupply hanggang sa Mayo bago ang pagdating ng panahon ng tagulan.

“Aabot pa naman ito ng Mayo kung patuloy na ganito ang pagbaba. Aabot pa ng Mayo bago pumasok sa 180-low critical level,”pahayag ni Serrano.

Sa ngayon ay nagkakaroon ng problema sa tubig ang Manila Water dahil sa mataas na demand ng kanilang mga customer, ang daily allocation ng Manila Water na nakukuha sa Angat Dam ay 1600 million liters habang ang lanilang demand ay aabot ng 1750 hanggabg 1800 million liters.

111

Related posts

Leave a Comment