TRANSPORT HOLIDAY IKAKASA SA LUNES

grab22

(NI JULIE DUIGAN)

MALAMANG na maparalisa ang ilang commuter sa inaasahang  metrowide “transport holiday”, ng mga driver ng  Transport Network Vehicle Service (TNVS) bilang bahagi ng pagkondena  sa umano’y panggigipit ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa Lunes, July 8.

Ayon sa TNVS , East West Conformity Letter Group (EWCLG), magsisimula umano ang transport holiday ng TNVS driver metrowide, bandang alas- 6:00  ng umaga hanggang alas- 6:00  ng gabi.

“Iba-iba ang sinasabi ng LTFRB, maya’t maya ay iba ang ipinasusunod na policy, masyado na kaming apektado sa kanilang ginagawa,’ayon  sa EWCLG members na hindi na nagpabanggit ng pangalan.

Hindi lamang  umano ang may 5,000 TNVS ang nawalan ng pagkakitaan kundi  80% ng TNVS driver ng Grab na pawang walang conformity pero pinayagan na makabiyahe ng GRAB, ang nangangaib na mawalan ng pagkakakitaan dahil sa mga policy ng LTFRB.

Ayon sa mga TNVS driver, hindi umano nila maintindihan kung bakit napakahigpit ng LTFRB sa conformity letter na ibibigay ng banko gayon may mga dokumento naman na ipinakikita ang mga TNVS driver at nagbabayad rin naman sila ng buwis.

Kinondena rin ng grupo ang napakabagal na pagkilos ng LTFRB sa pagpapalabas ng provisional authority (PA) at Cerificate of Public Conveyance(CPC).

Una nang sinabi ng LTFRB chair Delfin Delgra na maaring makapagbiyahe ang mga TNVS driver kahit  walang balidong PA basta may case number at hinihintay pa ang PA.

“You can still operate even without  valid PA  as long as may case number at waiting  for PA, hindi kayo colorum at wala pong apprehension for TNVS,” ayon kay Delgra.

Gayunman, muling nagpalabas ng bagong kautusan ang LTFRB na hindi na makabibiyahe ang mga walang valid PA kahit na meron case number at naghihitay pa ng PA.

132

Related posts

Leave a Comment