UMABOT sa halagang P408,000 ang nakumpiskang umano’y shabu ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ng Manila Police District- Barbosa Police Station 14, sa inilatag na buy-bust operation sa target na umano’y tulak ng droga, at kasabwat nito sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Loyola Street, Barangay 390, Quiapo, Manila noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang umano’y tulak na si Brando Martinez, alyas “Pandoy”, jobless, ng Barangay 118, Tondo, Manila. Binitbit din ng mga awtoridad ang umano’y kasabwat nito na si alyas “William”, 56-anyos.
Base sa ulat na isinumite ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, station commander, bandang alas-8;30 ng gabi nang isagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng 60 gramo ng umano’y shabu na P408,000 ang halaga.
(RENE CRISOSTOMO)
134