U-TURN SLOTS SA EDSA IPINANUKALANG ISARA

(NI ABBY MENDOZA)

PARA lumuwag ang daloy ng trapiko, ipinapanukala ni House Minority leader at Manila Rep. Bienvenido  Abante  ang pagsasarado sa lahat ng U-turn slots sa kahabaan ng Edsa.

Ayon kay Abante nakadaragdag sa pagsisikip ng daloy ng trapiko ang mga U turn slots sa Edsa, sa oras na tanggalin ito ay magiging tuluy-tuloy ang byahe.

“I was thinking na tanggalin na ‘yung mga U-turn na ‘yan, and then ‘yung fast lane should be dedicated to carpools,” paliwanag ni Abante.

Aniya, ang mga U turn slot sa Edsa na inilagay noon ni dating MMDA Chairman at ngayon ay Marikina Rep Bayani Fernando ay maaari pa noong araw dahil kakaunti pa lamang ang mga sasakyan subalit ngayon na triple na ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa Edsa ay hindi na magandang ideya na panatilihin ang ganitong mga U turn slots.

Si Abante rin ang nagpapanukala ng 4-day work week sa layunin din na mapaluwag ang daloy ng trapiko.

 

181

Related posts

Leave a Comment