WALANG SINGIL SA TUBIG GIIT SA MANILA WATER

water12

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINIMULAN na ngayong araw na ito  ang pangangalap ng lagda ng mga apektadong customer ng Manila Water sa naganap na water shortage upang huwag silang singilin sa susunod  nilang water bill.

Ito ang napag-alaman sa grupo ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin upang i-pressure ang Manila Water na itigil ang paniningil sa susunod na water bill matapos pumalpak ang kanilang serbisyo.

Nabatid na sisimulan ang pangangalap ng mga lagda sa mga residente ng Mandaluyong City na labis na naapektuhan sa water shortage simula noong Marso 7, 2018.

Target ng grupo na makapangalap ng 10,000 lagda ng mga naapektuhang residente para hilingin sa Manila water na huwag silang singilin sa kanilang minimum charges at iba pang bayarin sa tubig.

Samantala, pinagsusumite ng report ni BH party-list Rep. Bernadeth Herrer-Dy ang Manila Water kung magkano na ang nakolekta ng mga ito para Cardona plant na isa sa mga sinisisi kung bakit nagkaroon ng shortage sa kanilang supply.

Ayon kay Herrera-Dy, mula 2008 hanggang 2016  ay naningil na umano ang Manila Water para sa kanilang mga consumers para sa proyektong at base sa plano ay dapat matapos ito noong 2018 subalit bigo ang nasabing water concessionaire na tapusin sa itinakdang panahon.

Dahil dito, lugi umano ang mga consumers kaya nais ng mambabatas na baguhin ang sistema kung saan hindi puwedeng maningil ang mga water concessionaires para sa kanilang mga proyekto hangga’t hindi ito napapakinabangan.

“‘Cost-recovery’ dapat ang patakaran. Hindi yung naningil muna yung private company ng pampagawa ng facility tapos saka pa lang iko-construct. Ano yun, parang consumers pa yung nagpautang ng pera sa Manila Water? Unfair yun!,” anang mambabatas.

219

Related posts

Leave a Comment