MGA BAGONG HALAL SA SOUTHERN MANILA , IPRINOKLAMA NA

makati12

(NI ROSE PULGAR)

SUNUD-SUNOD na iprinoklama ng City Board of Canvassers ng Commission on Election (Comelec) ang mga nanalong kandidato sa Southern Metro Manila, Martes ng hapon.

Sa Makati City, dakong alas-4:32 ng madaling araw nang iproklama ng Comelec si dating Makati City Mayor Romulo “Kid” Pena, na nanalong congressman sa unang distrito ng lungsod.

Kung saan nagtamo si Pena  ng botong 71,035 at tinalo nito si dating Vice President Jejomar Binay Sr., na nagtamo ng botong 65,229.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang iproklama din si Abegail “Abby” bilang re-electionist mayor ng lungsod, na nakakuha ng 179,522 votes at tinalo nito ang kapatid na si Junjun, na nakakuha naman ng botong 98,657; kasama rin sa prinoklama ang mister ni Abby na si Luis Campos bilang nanalong kandidato sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito, na nakakuha naman ng 90,736 at tinalo nito si King Yabut, na may botong 63,245.

Si Monique Lagdameo ay prinoklama ring bise alkalde ng lungsod, na nakakuha ng botong 182,655 at tinalo nito ang action star na si Monsour Del Rosario, na may boto namang 105,153.

Sa Las Pinas City, alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang iproklama ng Comelec sina Mayor Imelda Aguilar bilang mayoralty re-electionist; na nakuha ng boto 170,927 gayundin ang anak nitong si April , 161,789 na nanalo namang vice mayor ng lungsod at ang anak ni Senadora Cynthia Villar na si Camille,  na nanalo namang  congresswoman.

Sa area ng Muntinlupa City, alas-10:00 ng umaga nang iproklamang  re-electionist  Mayor Jaime “Jimmy” Fresnedi; ng 164,144 , Vice Mayor Temy Simundac , 116,825, Congressman Ruffy Biazon, na nakuha ng boto , 169,756 re-electionist.

Sa area naman ng Taguig City, alas-2:30 ng hapon, iprinoklama sina dating Senador at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, na nakakuha ng boto , 86,078 bilang nagwaging kongresista ng unang distrito, misis nitong si Mayor Lani,111,740 na nagwagi namang congresswoman  sa ikalawang distrito at ang kapatid nitong si Lino, 170, 809 na siya namang nagwaging alkalde sa lungsod.

Sa Paranaque City,  nangunguna naman  ay  ang “Team Olivarez”  sa pamumuno ni  Mayor  Edwin; nakakuha ng boto, 169,224 kapatid nitong si  Congressman Eric,  re-electionist; 76,692 Vice Mayor Rico Golez, 141,433 re-electionist at ang lahat ng mga kaalyado nitong konsehal, na anumang oras ay isasagawa na ang proklamasyon  sa  mga  ito ng Comelec.

Samantalang sa Pasay City ay ang nanguna sa pagka-alkalde ay si Congresswoman Imelda “Emmie” Calixto-Rubiano, 121,152 kapatid nitong si Mayor Antonio “Tony” Calixto, 136,235 bilang kongresista at Vice Mayor  Boyet Del Rosario, 116,435 re-electionist, na anumang oras ay isasagawa na ang  proklamasyon  sa mga ito.

Iprinoklama rin ng Comelec si re-electionist  Pateros Mayor Ike Ponce.

Nakakuha ng botong  18,370 at tinalo nito ang katunggaling si Doc Willie Buenaventura, na nakakuha naman ng botong 8,775.

Gayundin si Gerald German, na nagwagi naman sa pagka bise alkalde, na  may botong  14,600  at tinalo nito si Carlo Santos, na may boto namang 11,729.

 

201

Related posts

Leave a Comment