MGA BIYAYANG DAPAT MONG TANGGAPIN BILANG AYUDA

ALAM mo bang tatlong bugso ng ayuda ang dapat matanggap ng bawat pamilya alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulo sa kanyang tatlong state of national emergency address?

Unang bugso mula sa barangay. Hindi katwirang walang pagkukunan dahil mayroong laang pondo ang bawat barangay ang Quick Response Fund.

Ikalawang bugso mula sa city o municipal government kung saan may taunang alokasyong maaari lamang galawin bilang panustos sa mga panahon ng kalamidad at krisis tulad ng ating kinakaharap ngayon. Higit itong kilala bilang calamity funds.

Gayunpaman, ang dalawang antas ng local government na dapat sana’y magkatuwang sa panahon ng kagipitan ay madalas nauuwi sa hidwaan, sisihan at kanya-kanyang paandar, katwiran at turuan.

Tulad na lamang ng naganap sa pagitan ng Antipolo City government at isa sa 16 nitong barangay.

Patutsada ng isang lider ng Purok Imelda, Barangay Dela Paz, “ganun naman sila lagi. Panay post nila sa FB na may ayuda silang dala dito, eh wala naman.”
Anila, kamakailan lang ay nagpadala ang city government sa kanila ng 150 food packs gayong ang kailangan ng kanilang barangay ay para sa 250,000 katao.

Kabaligtaran naman ang pahayag ng city government na nagsasabing tuluy-tuloy ang kanilang pagpapadala sa mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng mga barangay.

Any resulta — nganga para sa mga pamilyang naniwala at lubos na umasa sa ayuda kapalit ng kanilang pagtalima sa “stay home” order sa panahong lockdown ang buong Luzon.

Mahigpit na pinatutupad ng pamahalaan ang suspensiyon ng lahat ng galaw ng lipunan — hanapbuhay, transportasyon, edukasyon, negosyo atbp.

Ikatlong bugso ay mula sa Pangulo. Ang P5k food subsidy bukod pa sa P5-8k na cash assistance ng bawat isa sa tinatayang 18 milyong pamilya batay na rin sa mga probisyong nakadetalye sa ratipikadong State of National Health Emergency kaugnay ng seryosong panganib dala ng Covid-19 pandemic.

Bukod sa pamahalaan, dumadagsa rin and tulong mula sa iba’t ibang sektor.

Wala naman katiyakan kung inilalahad ng mga taong gobyerno kung alin ang mula sa barangay, mula sa LGU, national government at donasyon ng mga pribadong indibidwal, samahan o negosyo.FERNAN ANGELES

169

Related posts

Leave a Comment