MGA DOKUMENTO NG ICI SA FLOOD ANOMALY SISIYASATIN NG DOJ

PAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang mga dokumentong isinumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Kinumpirma ni Justice Secretary Eric Vida na natanggap na ng DOJ ang kopya ng mga dokumento at iba pang ebidensiya mula sa komisyon.

Ayon sa kalihim, susunod na hakbang ng ahensya ang masusing pagsusuri sa report upang matukoy kung may sapat na basehan para sa posibleng pagsasampa ng kaso.

Makikipagtulungan din ang DOJ sa Office of the Ombudsman, kung saan nauna nang nagsumite ang ICI ng kahon-kahong dokumento na may kaugnayan sa imbestigasyon.

Matatandaang sinabi ni ICI Chairman retired Justice Andres Reyes Jr. noong nakaraang linggo na inirekomenda niyang hanggang katapusan na lamang ng Marso ang operasyon ng komisyon matapos umano nilang magampanan ang kanilang mandato.

(JULIET PACOT)

97

Related posts

Leave a Comment