Mataas ang posibilidad na kapag maraming mga gamit ay marami rin ang pwedeng maging kalat sa bahay.
May iba naman na kahit maraming mga gamit ay maayos o naayos naman ito agad. May iba rin na hindi na maayos pa ito kaya nagiging santambak ang ligpitin kabilang pa rito ang mga bagay na hindi naman talaga nagagamit at mga kalat nang matatawag.
Paano ba mababawasan ang mga kalat na ganito?
1. Alamin ang clutter personalities. Para mapanatiling maayos ang bahay o anumang lugar dito dapat masuri kung ano talaga ang dumarami at mga ligpitin o kalat.
Sa pag-aaral ang karaniwang clutter personalities ng mga tao ay ang sinasabing “too busy, too many extras”. Ang ibig sabihin eto ‘yung nabili ka pa rin ng mga gamit na mayroon ka na kasi wala kang sistema sa lugar o paglalagyan para rito. Pag hinanap ito nang mabilisan sige lang din sa paghahalungkat dahil sa simula pa lang ay gulu-gulo na ang mga ito.
Pagiging constant worrier na dapat i-save ang lahat. Tago nang tago sa pag-iisip na baka kailangan pa ito sa hinaharap kaya naiipon nang naiipon ang mga gamit.
Personalidad na overwhelmed in Life = Overwhelmed at Home. Ito ang sa dinami-rami ng nangyayari at hindi mo alam kung saan magsisimula ay nagiging kampante ka na lamang sa magulong bagay at pagkakaayos nito.
Sa mga nabanggit na personalidad at nalaman mo kung saan ka riyan ay maiiwasan mo ang iyong weak spots.
2. Tanungin ang sarili hinggil sa kalat na nagpapagulo sa bahay at buhay mo. Sa ganitong pagkakataon ay ano ba talaga ang laging nakaangkla sa iyo kung bakit hindi mo maalis-alis ang mga kalat sa paligid mo? Ito ba ay dahil sanay ka na? Dahil iniisip mong magagamit mo pa ito o ng ibang tao? Kapag nag-e-exist sa iyo ang mga bagay na iyan ay nangangahulugan na sintomas lang ito ng dysfunction. Hangga’t mayroong ganitong sistema ay mawawalan ng tamang balanse ang iyong buhay.
Sa tamang balanse dapat maramdaman mo ang “peace,” “space” at “freedom.”
Kapag marami tayong gamit ay mas nagiging magulo at ang posibleng sunod na isipin ay humanap ng mas malaking bahay para rito. Hindi ba’t mas magastos ang ganito? Ang sabi sa pag-aaral, “Empty space is more valuable—psychologically and physically—than almost any object.”
Libutin ang buong bahay at magpokus sa kahit 10 random objects lamang. Sa pagkonsidera sa bawat bagay tanungin ang sarili:
a. Kailangan ko ba talaga ito?
b. Iniingatan o dapat ko ba itong i-treasure?
c. Ipagpapalit ko ba ito sa inner peace para sa maayos na lugar?
3. Gawin ang 10-minute declutter exercise. Kung masyado kang overwhelmed at hindi mo alam kung saan ka magsisimula gawin ang mga sumusunod:
a. Kumuha ng 2 trash bags. Sa unang bag ay ilagay dito ang mga basura. Sa ikalawang bag ay dito ilagay ang mga bagay na ibibigay sa charity o yard sale. Ilagay din dito ang mga librong nabasa na o mga damit na hindi na kasya o hindi na talaga ginagamit.
Gawin ito sa araw-araw hanggang sa tuluyang mabawasan o mawala ang kalat ng nakasisira sa ganda ng iyong bahay at buhay.
Tandaan na kapag ang isang bagay ay hindi naman talaga nagagamit sa loob ng isang taon baka pwede na itong itapon, ipamigay o ibenta – kung saan kikita ka pa.
4. I-manage na maigi ang paper trail. Ang bills na dumarating kabilang ang mga sulat at invitations ay dapat mga nakalagay sa tamang mga lagayan. Maaari itong ilagay sa mga brown envelops, o folder file organizer saka ilagay sa cabinet, shelf, o drawers o kahit simpleng basket.
Pwede mo ring ayusin ang mga flyers, coupons, o catalogs na inyong natatanggap o nakukuha na may kinalaman sa products and services na kakailanganin ng pamilya sa hinaharap. Siguraduhin lang na nakaayos ang mga ito upang hindi magdulot ng kalat o gulo sa bahay.
5. Tapusin ang mga gawaing dapat tapusin. Each cycle ay dapat mong matapos kahit ano pang gawain iyan para hindi ka natatambakan ng trabaho at hindi nagiging paraan ito para makabuo muli ng panibagong mga kalat. Isa pang simple pero dapat na ikonsidera ay kapag dumating agad sa bahay ang mga damit na huhubarin ay iaayos na agad. Isampay nang maayos ang damit na gagamitin pa tulad ng pantalon. Kung basa ang t-shirt ay isampay muna ito para mahanginan at matuyo upang iwas sa pagkasira ng tela at mapasukan ng mikrobyo. Ang ibang damit ay itupi nang maayos at ilagay sa laundry basket.
Ang mga ganyang mga bagay ay gawing routine sa araw-araw para maiwasan at mabawasan ang anumang ligpitin.
6. Higpitan o limitahan ang sarili sa anumang nais mong bilihin o ipasok na gamit sa loob ng bahay. Isipin ng ilang beses kung dapat ba o kailangan ba ang mga gamit na ganito sa bahay at sa buhay mo.
7. Kung wala kang oras sa pagliligpit ay iwasan nang magkalat pa. At kung wala ka talagang oras na maglinis o ayusin nang regular ang mga kalat mo ay ipakiusap ito sa ibang miyembro ng pamilya. Huwag ding laging iasa ang mga ligpitin sa katulong sa bahay dahil naroon lamang ang tendency na magpapatuloy lamang ang iyong pagkakalat o kawalan ng disiplina sa paglilinis sa iyong kuwarto o bahay.
9. Bagay na walang gaano o wala talagang sense sa iyo o ang sinasabing unnecessary memory. Tulad nito ay souvenirs na hindi naman talaga para sa iyo. Ang mga wedding souvenirs, o mga nakuha sa debut, binyag at iba pa ay maaaring ikonsidera kung ito ba ay dapat nang itago o mas mahalagang ipamigay na lamang. Kung patuloy mo itong idi-display at lalo kung ang nagbigay nito ay hindi mo naman direktang kaibigan o hindi close sa iyo ay kakain lamang ito ng espasyo sa iyong cabinet o shelf.
10. Ikonsidera ang paggamit ng multi divided box. Ang mga puwedeng ilagay dito ay paper pins and clips, thumb tacks o drawing pins. Kapag sama-sama ang ganitong uri ng supplies ay naiiwasan ang kalat o gulo sa mga lugar at hindi nasasayang ang oras sa paghahanap sa anumang gamit.
