MGA SENADOR, GIGIL SA PHILHEALTH CORRUPTION

NAMUMURO ang imbestigasyon ng buong Senado bilang Committee of the Whole hinggil sa mga  bagong alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth sa gitna ng kinakaharap na COVID 19 pandemic ng bansa.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, maghahain siya ng resolusyon para sa pag-convene ng Senado bilang Committee of the Whole upang busisiin ang bawat alegasyon laban sa PhilHealth.

Naniniwala si Lacson na nagpapatibay ng mga alegasyon ang sinasabing bulyawan sa zoom meeting ng mga opisyal ng PhilHealth kaugnay sa P1 bilyong kwestyonableng transaksyon kabilang na ang P98 milyon na overpriced na mga procurement.

 

“Nakakasuya na sobra. Needless to say, there is urgency that the Senate has to act on the matter immediately, as part of its oversight mandate, having passed the Universal Health Law,” diin ni Lacson.

Iginiit naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na kailangan ng full blown investigation sa isyu sa gitna ng pagtanggi sa mga alegasyon.

“Where there is smoke, there is fire!” paalala ni Sotto.

Itinuturing naman ni Senador Joel Villanueva na walang konsensyang pagtatraydor sa tiwala ng publiko ang mga alegasyon laban sa PhilHealth. Hindi anya dapat palagpasin ang malaking anomalya na ito na naganap sa panahon ng pandemic.

Bukod sa Senate investigation, nanawagan si Senador Sonny Angara para sa special audit ng Commission on Audit.

Maaari rin anyang buhayin ng Senado ang kanilang inquiry in aid of legislation sa pananalapi ng PhilHealth.

Para naman kay Senador Koko Pimentel, kailangan na ring rebisahin ang buong sistema ng PhilHealth.

“Why do funds deplete so fast? And why are there at the same time so many complaints from hospitals that they are not being reimbursed promptly. And many more questions,” pahayag ni Pimentel.

Itinuturing naman nin Senate Minority Leader Franklin Drilon na state of emergency na ang degree ng katiwalian sa ahensya.

“The high degree of corruption within PhilHealth must be stopped. It has reached a level akin to a state of emergency,” saad ni Drilon.

Nagkakaisa rin ang mga senador sa pahayag na dapat iprayoridad ng Senado sa kanilang pagbabalik sesyon ang imbestigasyon. (DANG SAMSON-GARCIA)

151

Related posts

Leave a Comment