MGA SENADOR, NAGDADALAWANG-ISIP PONDOHAN ANG UHC

AMINADO si Senador Panfilo Lacson na marami sa kanila ang nagdadalawang-isip nang buhusan ng pondo ang Universal Health Care Law sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Being a consistent intervenor in augmenting the budgets of agencies based on justifiable need, the DOH and PhilHealth included, I can say for sure that I and many senators will have second thoughtsto pour in more funds into the UHC program,” saad ni Lacson.

Ito, ayon kay Lacson, ay maliban na lamang kung makikitaan ng kaseryosohan at sinseridad ang executive department na papanagutin ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa mga katiwalian
at iregularidad.

Ipinaalala pa ni Lacson na itinaas pa nila sa P74 bilyon ang pondo ng UHC ngayong taon mula sa P67 bilyon na nakasaad sa National Expenditure Program.

Kasabay nito, hinamon ni Lacson ang mga opisyal ng PhilHealth na magdeklara ng moratorium on corruption sa panahon ng pandemya.

“Who knows, they might actually learn that it feels good not to be corrupt, and thus develop anaversion to corruption,” pasaring pa ni Lacson.

Hinimok din nito ang iba pang tauhan ng PhilHealth na nagnanais labanan ang katiwalian na makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ebidensya.

Hiniling din nito sa mga kagawad ng PhilHealth na tumutulong sa pakikipaglaban sa iregularidad na huwag mapagod.

“A corruption-free and more importantly, corruption-averse PhilHealth will not only ensure much- needed health benefits for all Filipinos in the long run. In the immediate term, it will ease the
concerns of lawmakers, myself included, that the budget we pass for PhilHealth to do its job will not be lost to greed,” diin pa ni Lacson. (DANG SAMSON-GARCIA)

199

Related posts

Leave a Comment