MISIS HINIPUAN, OBRERO SWAK SA KARSEL

SA karsel na nahimasmasan ang isang lalaki makaraang hipuan sa dibdib ang isang bagong panganak na ginang habang bumibili ng disposable diaper sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.

Sa balikat lamang ng biktimang itinago sa pangalang “Shakira,” 23, unang dumapo ang pangahas na kamay ng suspek na si Jerome Jalimao, 42, construction worker, ng #19 Ligaya St., Serrano Subdivision, Brgy. Marulas, habang bumibili ng diaper ang biktima sa isang tindahan sa Anak Dalita, Serrano St. dakong alas-7:50.

Hindi nakakibo ang biktima dahil sa takot nang maamoy na amoy-alak si Jalimao ngunit inakala ng suspek na nagustuhan ng ginang ang kanyang ginawa at ngising-demonyong tuluyan siyang pinaghihipuan.

Bunsod nito, tumakbo ang biktma at isinumbong sa kanyang ina ang ginawang pambabastos ng suspek.

Naulinigan naman ng kinakasama ni Sharika na si alyas “Benjie” ang sumbong ng kinakasama kaya’t kaagad na sumugod patungo sa lugar at kinompronta ang suspek.

Sa tagpong ito, sinalubong ng suntok sa mukha ni Jalimao si Benjie kaya’t humingi ng tulong ang nasapak na lalaki sa  mga opisyal ng barangay na nagsama sa kanya sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

Sinampahan ang suspek ng kasong acts of lasciviousness at unjust vexation. (ALAIN AJERO)

141

Related posts

Leave a Comment