MMDA INIREREKOMENDA ANG PAGGAMIT NG MABUHAY LANES

BILANG paghahanda sa posibleng pagdami ng private vehicles sa EDSA dahil sa paniningil ng toll ng Skyway Stage 3 simula ngayong Lunes, binisita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang Mabuhay Lanes na alternatibong ruta ng mga sasakyang pa-southbound.

Partikular na siniyasat ng grupo ni Abalos ang bahagi ng Mabuhay Lane Route 1 sa Mother Ignacia, Sct. Esguerra, at Sct. Ybardolaza, pawang sa Quezon City.

Personal na sinubaybayan ng MMDA chairman ang paglalagay ng directional road signages na magsisilbing guide sa mga motorista.

“Motorists who are coming from the northern part of Metro Manila and will travel southbound, and those who might want to avoid EDSA can take Mabuhay Lanes as alternate routes,” sabi ni Chairman Abalos.

Sa panayam ng SAKSI Ngayon, ipinaliwanag ni Abalos na gusto niyang bigyan ng pagpipiliang daanan ang mga motorista upang hindi sila maipit sa trapik.

Tiniyak pa ni Abalos na sa gabi lamang papayagan ang mga repair kabilang ang reblocking at iba pang road construction. Magsisimula ito ng 11 ng gabi hanggang 5 ng umaga upang maiwasan ang traffic kapag rush hour.

Hindi rin aniya kailangang ibalik ang number coding scheme dahil kaya pang pamahalaan ang daloy ng trapiko. (DAVE MEDINA)

 

154

Related posts

Leave a Comment