MODEL LUMIYAB DAHIL SA COSTUME

fire

ISANG dalagita ang muntik nang lamunin ng apoy nang biglang magliyab ang suot nitong costume kaugnay sa modeling show sa isang youth activity sa Estancia, Iloilo.

Dumanas ng first degree burns sa katawan ang 17-anyos na dalagita matapos magliyab ang kanyang costume habang naghahanda sa aktibidad ang grupo ng mga kabataan.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Estancia Municipal Police Station chief, Police Lt. Joebert Amado, sinabi nito na may culminating activity ang Pag-Asa Youth Association of the Philippines na ginanap sa plaza sa nasabing bayan.

Kasalukuyang umanong naghahanda ng kanilang costume ang mga contestant sa isang modelling show nang sindihan ng kasama ng biktima ang glue stick gamit ang lighter para ayusin ang kanilang isusuot.

Subalit dahil gawa sa light materials ang costume, nang madikitan ito ng nagliyab na glue stick ay mabilis itong kinain ng apoy.

Mabilis namang naitakbo sa pagamutan ang biktima na nalapnos ang mga kamay at paa. (JESSE KABEL)

249

Related posts

Leave a Comment