MOTORCYCLE RIDER ITINUMBA NG TANDEM

BATANGAS – Patay ang isang lalaking rider matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Maraykit, sa bayan ng San Juan sa lalawigan noong Huwebes, Mayo 29.

Ayon sa ulat ng San Juan Police, bandang alas-2:45 ng hapon nang sundan ang biktima ng mga suspek na sakay rin ng isang motorsiklo at pinagbabaril.

Isinugod sa San Juan District Hospital ang 64-anyos na biktima na kinilala sa pangalang “Ferdie”, taga Brgy. Salao, Rosario, subalit idineklarang dead on arrival ng doktor dakong alas-3:30 ng hapon.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Rosario matapos ang pamamaril.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at para makilala ang mga suspek.

Nagkasa na ang mga awtoridad ng follow-up operation para sa ikadarakip ng mga suspek at para sa hustisya sa nangyari sa biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

20

Related posts

Leave a Comment