MT. BATULAO: CHALLENGING AKYATIN SA GANDA!

MT BATULAO

Kung trip na trip mong umak­yat ng bundok pero beginner ka pa lang, isa ang Mount Batulao sa pwede mong piliin at simulang akyatin.

Ang Mt. Batulao ay matatagpuan sa Nasugbu sa lalawigan ng Batangas. Ito ay may taas na 811-m o 2,660ft above sea level.

Isa ang bundok na ito sa mga paborito para sa trekking at climbing.

Paborito ito dahil may pagpi­pilian dito ang mga hiker mula sa dalawang trails nito: ang luma at ang bagong daan.

Sa pag-akyat mas maiging magdala ng trekking poles o kaya pwedeng bumili na lamang ng simpleng trekking poles dito na yari sa kawayan, mura lang naman sa halagang P10.

Sa lumang trail ang ruta rito ay challenging habang sa bagong trail ay ang pinakamada­ling daanan, na mas okay para sa mga baguhang hiker.

Ang isa pang madali sa pagpaakyat sa pamosong bundok na ito ay hindi mo kailangan ng guide dahil ang trail mismo nito ang magtuturo sa iyo kung saan ang tamang daraanan kaya hindi mahihirap ang mga gustong “mamundok”. Pero kung magiging option ninyo ang kumuha ng tour guide ay kailangan mong magbayad ng 300 hanggang 500 pesos. Handa naman kayong samahan ng guide mula sa mahigit isang oras hanggang dalawang oras na paglalakad at pag-akyat – iyan ay depende sa kung gaano kayo kabilis maglakad o umakyat.

Pero kung tutuusin, mas marami ang pinipili ang old trail ang daanan dahil mas fulfilling ito. Isang suggestion din na kung ayaw ng todo-todong hirap ay u­nang daanan ang old trail papanhik sa bundok at piliin ang new trail pababa. Kumbaga dapat ay una ang hirap bago ang sarap.

Hindi rin uubra rito ang Temple Run mode, dahil hindi naman makatarungang aakyat ka ng bundok nang mabilisan dahil hindi naman ito isang kompetisyon. Kaya habang umaakyat sa bundok ay maglakad lamang on moderate pace on a climb down climb up pattern. Ang lupa rin kasi rito ay very loose kaya posibleng ma­ging madulas kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.

Napakaganda ng bundok na ito dahil mayroon itong 12 peaks kaya talagang challenging puntahan at akyatin.

Hindi naman nakatatakot itong akyatin dahil sa katunayan ay maraming hikers ang makakasalamuha rito kabilang ang foreigners.

Hindi rin naman magugutuman dito dahil may mga pagkaing mabibili sa mga istasyong daraanan lalo na ang buko juice na pang-refresh at matatawag talagang energy drink.

Malaking tagumpay din kapag naabot mo ang summit ng Mt. Batulao. Napakaganda ng mga tanawin mula sa itaas nito. Maging maingat lamang habang nasa tuktok dahil talagang dangerously beautiful ito. Ito lagi ang mag-eengganyo sa iyo na muling bumalik dito.

Sa summit ay narito na ang 360-degree view ng lalawigan ng Cavite at Batangas.

Iyan lang muna ang kwento, sundan n’yo na lang kapag kayo na ang namundok dito. (Ann Esternon)

736

Related posts

Leave a Comment