CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 22-anyos na binata at nawasak ang mukha nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang puno ng acacia sa gilid ng kalsada sa Dasmariñas City sa lalawigang ito.
Isinugod sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si John Michael Verula ng Block 3, Lot 23, Phase 2, Brgy. H2, Dasmariñas City ngunit idineklarang dead on arrival.
Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.
Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio habang binabagtas ang kahabaan ng E. Aguinaldo Highway ngunit pagsapit sa Governor D. Mangubat Ave. sakop ng Brgy. Burol Main ng naturang lungsod nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at sumalpok sa isang puno sa acacia sa gilid ng kalsada.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga at walang suot na helmet, ay nawasak ang mukha ng biktima na tumama sa puno. (SIGFRED ADSUARA)
183 