ESTUDYANTE PATAY SA HIT AND RUN

QUEZON – Patay ang isang estudyante makaraang masagasaan ng elf truck sa Maharlika Highway sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.
Dead on the spot ang 14-anyos na biktimang si Darwin Barredo Nunez dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan.
Batay sa report ng Lopez police, naglalakad ang biktima sa gilid ng highway sa Barangay Malay nang mahagip ito ng isang humahagibis na elf truck bandang alas-11:00 ng umaga.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi huminto ang ang elf truck at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng bayan Gumaca.
Hindi rin natukoy ang plate number ng elf truck maliban sa mga salitang “from books to cloud” na nakasulat sa tagiliran nito.
Agad nagpalabas ng alarma ang Lopez Police sa mga police station ng mga katabing bayan upang matukoy kung sino ang driver at may-ari ng nasabing tuck. (NILOU DEL CARMEN)
147

Related posts

Leave a Comment