9-ANYOS BATA PATAY SA TUKLAW NG AHAS

PANGASINAN – Pumanaw sa ospital ang isang 9-anyos na batang babae makaraang matuklaw ng ahas sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng San Carlos City sa lalawigang ito.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsusukat ng uniporme ang biktimang si Rea dela Cruz, Grade 4 pupil, nang mangyari ang insidente.
Hirap tanggapin ng ama ni Rea ang maagang pagpanaw ng anak nang dahil sa tuklaw ng ahas.
Kwento ng nanay ni Rea, excited ang bata sa darating na pasukan kayat nagsukat ito ng kanyang uniporme ngunit biglng sumulpot ang ahas at ito ay tinuklaw sa binti.
Hindi pa malaman kung anong uri ng ahas ang nakatuklaw s bata dahil nakatakas ito at hindi pa nahuhuli. (CATHERINE CUETO)
107

Related posts

Leave a Comment