Mungkahi ni Defensor sa pamahalaan HIGH-RISK KIDS UNANG BAKUNAHAN

(BERNARD TAGUINOD)

DAPAT nang maghanda ang gobyerno para masimulan ang mass vaccination sa high-risk kids na edad 12 hanggang 15 pagsapit ng Oktubre kasabay ng matatanda.

Ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang nasabing panawagan lalo na kapag natiyak ang mas malaking supply ng COVID-19 vaccines sa bansa sa mga susunod na buwan.

“Assuming the National Task Force Against COVID-19 succeeds in negotiating with foreign manufacturers the delivery of 25 million doses per month, we should start immunizing vulnerable children in the 12 to 15 age group by October, alongside the general adult population,” ani Defensor.

“Children with suppressed immune systems, or those with underlying health conditions such as asthma, should be vaccinated ahead,” ayon sa mambabatas na vice chairperson ng House committee on welfare of children.

Ayon sa mambabatas, 12.4% sa mga Filipino ay kabataan at mayorya sa mga ito ay mula sa mahihirap na pamilya at may asthma kaya dapat mabakunahan aniya ang mga ito.

Maging ang mga kabataan na may mga kasamang senior citizen sa kanilang bahay ay dapat iprayoridad sa bakuna upang maproteksyunan, hindi lamang ang mga ito kundi ang matatanda.

Kailangan aniyang gawin ito sa lalong madaling panahon lalo na’t inuulat ng mga local government sa iba’t ibang bahagi ng bansa na dumarami ang mga kabataan na nagkakasakit dahil sa COVID-19.

Sa Quezon City, halimbawa aniya, 318 sa mga bagong COVID-19 case na naitala mula Agosto 1 hanggang 7, ay mga kabataan na 17-anyos pababa, base umano sa report ng epidemiology and disease surveillance unit ng lungsod.

Noong Hunyo, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para sa kabataan na 12 hanggang 15-anyos.

Samantala, umapela si Defensor sa liderato ng Kamara na pagtibayin na ang kanyang House Bill (HB) 9200 para bigyan ng tax benefits ang mga pribadong kumpanya na magbabayad para sa bakuna ng 23 million estudyante sa bansa.

Isasailalim ito Adopt-a-School Program upang magkaroon ng siguradong supply ng bakuna para sa mga kabataan na kailangang mabakunahan na para makabalik ang mga ito sa face-to-face classes.

Under the program, donors of qualified materials and supplies for public schools may further deduct from their gross income up to 150 percent of the value of their contribution.

116

Related posts

Leave a Comment