CAVITE – Arestado ang isang lalaki nang saksakin at mapatay nito ang isang lalaking nagtangkang manloob sa kanyang junk shop sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw.
Naka-hospital arrest sa De La Salle University Medical Center ang suspek na si alyas “Henry” dahil sa saksak sa kanyang katawan mula sa biktima na si alyas “Henry” na kanya umanong napatay.
Ayon sa ulat, natutulog ang suspek sa kanyang junkshop sa Orchard Properties sa Sitio Pantay, Brgy. Maguyan, Silang, Cavite nang maramdaman nito na tila may taong nagbubukas sa kanyang junkshop bandang alas-12:05 ng madaling araw.
Kumuha ng kutsilyo ang suspek at pumunta sa gate ng kanyang junkshop kung saan nakita ang biktima na nagresulta sa kanilang komprontasyon.
Sa kalagitnaan ng komprontasyon, pinagsasaksak ng suspek ang biktima na pinaniniwalaang tangkang manloob sa kanyang junkshop.
Pagkaraan ay naaresto ang suspek na may tama rin ng saksak sa katawan habang nalagutan ng hininga ang biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
85 