ORIENTAL MINDORO – Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng 25-anyos na crew member na iniulat na nahulog mula sa Ferry Berth sa Port of Calapan sa lalawigan.
Ayon sa abiso ng PCG, ang biktima na residente ng Buluangan, Valderrama, Antique ay huling nakita ala-una ng umaga noong Huwebes habang nagbi-video call sa Ferry Berth.
Kinabukasan, dakong alas-8:40 ng umaga, napansin ng isang tripulante ang isang anino sa ilalim ng sasakyang dagat at nakumpirma na ang biktima ito.
Natanggap ng Coast Guard Sub-Station Calapan ang ulat pasado alas 9-ng umaga at agad nagkasa ng search and retrieval operation kasama ang Special Operations Group hanggang sa natagpuan ng PCG diver ang labi ng biktima.
(JOCELYN DOMENDEN)
164 