NAPOLES SINILBIHAN NG BAGONG ARREST WARRANT

napoles12

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG panibagong warrant of arrest ang isinilbi ng mga awtoridad sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa loob mismo ng kinapipiitan nitong Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong ala-1:30 ng hapon nang isilbi ng mga awtoridad kay Napoles ang naturang mandamyento de aresto.

Lumilitaw na ang naturang warrant of arrest ay inisyu ni Oscar Herrera Jr., chairperson ng Second Division ng Sandiganbayan, laban kay Napoles dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti- Graft and Practices Act.

Nananatili namang nakakulong si Napoles sa CIW dahil sa mga kasong may kinalaman sa kanyang pagkakasangkot sa kontrobersiyal na pork barrel scam, kung saan kapwa niya akusado sina Senator-elect Bong Revilla, at mga dating senador na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Kapwa naman nakalaya na sina Enrile at Estrada nang payagang makapaglagak ng piyansa ng hukuman.

Noong Disyembre naman ay nakalaya na rin si Revilla, nang maabswelto sa kasong plunder na kinakaharap at nakatakdang muling manungkulan sa Senado sa susunod na buwan, matapos na magwagi sa May 13 midterm elections.

 

375

Related posts

Leave a Comment