NARCO-POLITICIANS IPINAMOMONITOR SA PDEA, AMLC

SEN RICHARD GORDON

(NI NOEL ABUEL)

DAPAT na bantayang mabuti ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang mga nanalong kandidato sa nakaraang eleksyon na kabilang sa pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng illegal na droga sa bansa.

Ito ang giit ni Senador Richard Gordon kung saan sa 46 narco-politicians na pinangalanan ng Pangulo ay 26  ang mga nagtagumpay sa kanilang kandidatura.

“With the narco-politicians already identified ahead of the elections, the PDEA should have conducted a tight watch on them. Kung nakalagay na sila sa narco-list, ‘di ba dapat ang PDEA, binantayan na sila? Ang AMLC at ang Comelec dapat binantayan kung gagamit ng pera ‘yan,” paggigiit pa ni Gordon.

Aniya, sa tala ng PDEA kabilang sa mga narco-list na nanalo sa eleksyon ay kinabibilangan ng 18 alkalde, tatlong vice mayors, dalawang kongresista, isang vice governor, isang provincial board member, at anim na konsehal.

Anim umano sa mga ito ay nanalo sa Calabarzon habang ang apat ay mula sa ARMM at Central Luzon.

“The AMLC should have been on the alert for large-scale withdrawals during the election period. The Comelec should have watched out for massive vote-buying because where there are massive vote-buying, cash was used. Thousands of pesos were distributed, with millions of drug money flooding in areas where the narco-politicians ran, such as in Zambales,” aniya pa.

Paliwanag pa nito na sinadya ng nasabing narco-politician na tumakbo upang maprotektahan ang pamilya nito sa kanilang illegal drug operations.

“They need positions to protect them, just like some officials use their office to protect their graft and corruption. Now, these people have proven that with just money, they can win, they can buy the Comelec, they can buy votes. Anong rason, kailangang manalo sila dahil yun ang gagawin nilang proteksyon para hindi sila ma-harass, they will now have influence,” dagdag pa nito.

 

238

Related posts

Leave a Comment