#NASAANANGPANGULO MALISYOSO – MALAKANYANG

PARA sa Malakanyang ay malisyoso ang banat ng mga kritiko laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang palutangin ng mga ito ang hashtag na ‘Nasaan Ang Pangulo.’

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kahit kailan naman basta’t galing sa mga kritiko ay asahan nang walang mabuting makikita ang mga ito sa nagawa ng Punong Ehekutibo.

Ipinagkibit-balikat na lamang ito tutal, sabi ni Roque ay nasa 5% lang naman ng populasyon ang mga taga-puna na aniya’y hindi dapat na ipag-alala.

Para kay Sec. Roque, “pointless” ang argumento ng mga kritiko dahil nagawa naman ng chief executive ang dapat gawin at naihanda nito ang lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno sa panahon ng nagdaang bagyo. (CHRISTIAN DALE)

123

Related posts

Leave a Comment