INAASAHAN ng Chinese Embassy ang pagdagsa ng may 1.5 milyong Chinese tourists sa bansa ngayong 2019.
Sa 29.6 porsiyentong pagtaas ng pagdating ng mga Chinese, ang mga ito na umano ang ikalawang lahi na turistang dumaragsa sa Pilipinas, ayon kay Chargé D’affaires Ad Interim Tan Qingsheng.
Sinabi nito na kada linggo ay 300 flights ang dumarating sa pagitan ng dalawang bansa.
Idinagdag ng Chinese official na ito ay nangangahulugan ng kita ng Pilipinas ng halos P32 bilyon sa ekonomiya.
Nasa 1.2 milyong Chinese ang bumisita sa bansa noong nakaraang taon at inasahan na ang pagtaas nito dahil sa maganda umanong pakikitungo ng mga Pinoy gayundin ng kabilang bansa.
Sa Senate hearing noong 2018, sinabi ng Labor and Immigration officials na ang bulto ng foreign national na na-isyuhan ng alien employment permits (AEPs) ay mga Chinese na nagtatrabaho sa online gaming. Inamin din ni Tan na karamihan sa mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa ay gumagamit ng tourist visa at dito na lamang inaayos ang work permits.
Sinabi ng Chinese Embassy na nirerespeto nila ang batas ng Pilipinas sa pagkuha ng mga trabaho at empleyado.
“The Chinese government has always requested Chinese nationals in the Philippines to observe the Philippine laws and regulations,” ayon pa sa Chinese Embassy.
152